Naghahanda na ang Philippine contingent para sa Asian Winter Games 2025 na nakatakda mula Pebrero 7-14, 2025 sa China.
Ayon kay Richard Lim, ang Chef de Mission ng Pilipinas para sa naturang sports competition, 20 atletang Pinoy ang sasabak dito.
Mula sa dalawampung sporting event, sasabak ang mga ito sa anim na event.
Sapat na rin aniya ang naturang bilang, lalo na at hindi rin sanay gaano ang mga Pinoy athlete sa paglalaro sa mga winter games o mga sporting events na idinaraos sa mga lugar na may makakapal na niyebe.
Sa huling araw ng Enero 2025, nakatakdang umalis ang unang batch ng mga Pinoy athletes habang ang iba ay susunod na lamang sa unang linggo ng Pebrero.
Ayon pa kay Lim, hahabulin ng Philippine contingent ang opening ceremony sa Pebrero 7.
Ilan sa mga laro kung saan sasabak ang mga atletang Pinoy ay figurescating, skiing, curling, at iba pa.
Samantala, bagamat 20 atletang Pinoy lamang ang sasabak sa Asian Winter Games 2025, sinabi ni Lim na ito na ang pinakamalaking team na ipapadala ng Pinas sa naturang sporting event.
Sa kasalukuyan, naihanda na ang maraming pangangailangan ng mga atleta tulad ng jacket, uniform, scarf, at iba pang kakailanganin hindi lamang sa mismong kompetisyon kundi sa kabuuang panananatili ng team sa naturang lugar.