-- Advertisements --

Welcome para kay Energy Secretary Raphael Lotilla ang tuluyang pagiging epektibo ng nuclear deal sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ito ay ang Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy o ang 123 Agreement na unang pinirmahan ng US at Pilipinas noong Nobyembre, 2023.

Ayon kay Lotilla, ang naturang agreement ay magbibigay ng ligtas at maayos na nuclear energy.

Layunin ng naturang kasunduan na mapadali ang paglilipat ng mga akmang impormasyon, nuclear material, kagamitan, at mga component nang sumusunod sa standard na nakasaad sa International Atomic Energy Agency (IAEA).

Sumusunod din ito aniya sa batas ng dalawang bansa, mga international agreements at itinatakdang regulasyon para sa nuclear energy.

Sa kasalukuyan, sinabi ng kalihim na isinasapinal na ng Nuclear Energy Program-Inter-Agency Committee (NEP-IAC) ang nuclear energy program roadmap ng bansa na inaasahang magiging daan para sa maayos na paggamit ng nuclear energy para sa power generation.