-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang mga pambato ng bansa sa weightlifting at fencing matapos ang pagsali sa mga international events sa Tashkent, Uzbekistan.

Sinalubong sila ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission.

Sinabi ni PSC chairman William Ramirez na magsasagawa sila ng mas magarbong pagsalubong sa mga atleta basta masunod ang safety protocols.

Binubuo nina Vannessa Sarno, Mary Flor Diaz, Elreen Ando at Kristel Macrohon ng Philippine weightlifting team na nakapag-uwi ng dalawang gold, anim na silver at tatlong bronze medal.

Kahit na hindi nagtagumpay si Hidilyn Diaz sa kumpetisyon ay tiyak naman na ang pagsali nito sa Tokyo Olympics.

Habang mayroong bronze medal ang naiuwi ni Samantha Catalan sa women’s Asian-Oceanian Olympic Qualifying Tournament kasama sina Nathaniel Perez, Jylyn Nicanor, Noelito Jose, Hanniel Abella at CJ Concepcion.