-- Advertisements --

Ang bagong women’s futsal team ng Pilipinas na “Pinays” ay magkakaroon ng two friendly game kontra Guam sa darating na Oktubre 15 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang futsal program ay nabuo matapos na makapasok ang Philippine Women’s football team sa nalalapit na FIFA World Cup.

Ayon kay Dutch coach Vic Herman, ito na raw ang stepping stone ng mga players sa kanilang futsal journey.

Sa ngayon, puspusang training ang ginagawa ng mga manlalaro para sa paghahanda sa kanilang laban doon sa Guam.