-- Advertisements --
Nakahanda na ang Philippine women’s volleyball team sa pagsabak nila sa ASEAN Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasma, Thailand.
Pinagunahan ito nina Jia Morado-de Guzmanat Tots Carlos ang volleyteam ng bansa para sa laban nila sa sa Biyernes, Setyembre 9.
Nasa listahan din sina Jema Galanza, Ced Domingo, Jeanette Panaga, Michelle Gumabao, Ella De Jesus, Risa Sato, Pau Soriano, Kyla Atienza, Fille Cayetano, Kyle Negrito, Rosemarie Vargas at Rizza Mandapat.
Unang makakaharap ng women’s volleyball team ng bansa ang Thailand na susundan ng Vietnam sa Sabado at Indonesia sa Linggo.