Tiniyak ng Philippine volleyball team na mga magagaling na manlalaro ang kanilang isasabak sa 30th Southeast Asian Games.
Sinabi ni national coach Shaq delos Santos, na sa malakas na lineup nila ay tiyak ang paghakot nila ng medalya.
Ilan sa mga manlalaro ay pinangungunahan nina Alyssa Valdez, Aby Maraño, Filipino-American Kalei Mau, Eya Luare, Maddie Madayag, Rhea Dimaculangan, Jia Mordao, open spiker Ces Molina, opposite spikers Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat, middle blockers Mika Reyes, Majoy Baron at mga liberos na sina Dawn Macandili at Kath Arado.
Ilan sa mga matinding makakalaban ng Pilipinas ay ang Thailand, Indonesia at Vietnam.
Nakakuha ng dalawang bronze medals ang national team sa Asean Grand Prix na ginanap sa Thailand at dito sa Pilipinas.
Ito ang unang pagsabak ng National Volleyball team na ang huli ay noong 2005.