-- Advertisements --

Nanguna sa pagbati ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Filipino Olympic athlete na si Carlos Yulo matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa 55th All-Japan Seniors Championship sa Tokyo, Japan.

Ang kanyang pagkapanalo ay isang magandang practice at training daw para sa darating na World Championship sa England na gaganapin sa ika-29 ng Oktubre hanggang ika-6 ng Nobyembre.

Ayon sa kanyang coach na si Munehiro Kugimiya, nakuha rin ni Yulo ang silver medal sa team event at isang bronze para sa vault event.

Ito ay sa kabila na meron siyang finger injury na naging dahilan para hindi siya makalaro sa kanyang iba pang mga laban. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)