-- Advertisements --
Nagkaayos na ni surfer Philmar Alipayo ang naging awayan nila ng partner na si Andi Eigenmann.
Sa social media account nito ay nagpost siya ng video kasama ang actress at anak nilang babae.
May caption na ito na ‘Ok na sila at sinabing sana ay hindi na inilabas pa sa publiko ang gusot’.
Una ng lumabas ang usapin noong nakaraang linggo na hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng mga fans nila na kapwa nag-unfollow ang bawat isa sa kanilang social media.
Naging mainit pa ang usapin ng magpost ang actress ng usapin nila ng asawa ukol sa pagpapa-tattoo nila ng malapit na kaibigan.
Nilinaw ng actress na hindi nagloko ang asawa at sa halip ay hindi lamang niya nagustuhan ang ginawa nito.