-- Advertisements --

May kakaibang pakulo ang Philippine Post office ngayong araw ng mga puso.

Ayon kay Jeffrey Catayong, PhilPost Chief Marketing Mega Manila, na inilunsad nila ang Express PadaLove package.

Ito ay para sa mga taong abala sa trabaho na wala ng oras na umikot pa at bumili ng mga panregalo sa kanilang mga kasintahan.

Sa halagang P2,500 aniya ay ide-deliver nila ang Express PadaLove package na kinabibilangan ng bulaklak, greeting cards at maghaharana pa ang mag-dedeliver.