-- Advertisements --

Magsasanay sa US ang Philippine national womens’ football team.

Sinabi ni national team head coach Marlon Maro na tutulak sila sa Irvine, California para paghandaan ang AFC Asian Cup.

Hindi aniya kasi pinapayagan pa sa bansa ang mga face-to-face practice dahil sa COVID-19 pandemic.

Kailangan kasi nilang magtagumpay sa torneo dahil ito ay isang qualifiers para sa 2023 FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa India sa susunod na taon.

Magugunitang naging matagumpay ang koponan noong nakaraang buwan ng talunin nila ang Hong Kong at Nepal sa Group F sa laro na ginanap sa Uzbekistan.

Ang Top 5 na koponan ay aabanse na sa World Cup sa Australia kung saan desidido silang makamit ito.