Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa debris ng panibagong rocket na inilunsad ng China na posibleng bumagsak malapit sa Rozul reef at Patag island sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos kumpirmahin ng ahensiya na naglunsad ito ng panibagong Long March 3B/E rocket ng People’s Republic ng China.
Tinatayang mahuhulog ang debris mula sa rocket sa loob ng tinukoy na drop zones na tinatayang nasa 28 nautical miles mula sa Rozul reef at 38 nautical miles mula sa Patag island.
Kayat paalala ng aheniya na delikado para sa mga barko, fishing boats, aircraft at iba pang sasakyang pandagat na dumaan sa naturang drop zones.
Sakali man aniya na may mamataan na lumulutang na debris ng rocket sa naturang lugar na maaaring matangay sa karatig na baybayin ipagbigay alam agad ito sa lokal na awtoridad at iwasang lapitan ito dahil maaaring naglalaman ito ng remnants ng nakakalasong substance gaya ng rocket fuel.