Kumpiyansa ang Philippine Statistics Authority (PSA) na maaabot ang year-end target na 30.1 million printed national identification cards at 19.9 million digital at printable cards.
Sa datos noong August 23, nakapag-transfer na ang PSA sa Philippine Postal Corp ng nasa 17.6 million physical national ID cards para sa delivery ng mga ito sa mga owners.
Nakitaan naman ng considerable progress para maabot ang year-end target na 30.1 million physical IDs o katumabs ng 58% ng kabuuang target.
Una ng ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand Marcos ang pag-isyu ng 30 million national IDs sa katapusan ng taon at maabot ang target goal na 92 million sa kalagitnaan ng taong 2023 uoang magkaroon ng seamless transactions ang bawat mamayang Pilipino sa mga ahensiya ng gobyerno.