CENTRAL MINDANAO- Iminungkahi ngayon ng Phivolcs sa mga mambabatas sa siyudad ng Kidapawan na ipagbawal ang pagbebenta ng mga sub-standard na mga construction materials.
Ayon kay Phivolcs Kidapawan OIC Manager Engineer Hermes Daquipa na gawing ordinansa sa City Council ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga sub- standard na construction materials sa pagpapatayo ng tahanan at gusali.
Matatandaan na maraming bahay,istruktura ng gobyerno at mga gusali ang nasira dulot ng tatlong magkasunod na malalakas na lindol sa probinsya ng Cotabato.
Dagdag ni Daquipa na bago magpatayo ng bahay lalo na sa mga Barangay ay dapat dadaan sa mga opisyal ng Barangay at sila na ang makikipag-ugnayan sa mga Inhinyero.
Layunin nitong masiguro na ligtas ang mga titira sa bahay o gagamit sa istrukturang itatayo laban sa lindol sa mga lugar dahil hindi naman anya ang lindol ang nakakamatay pero ang mga mahuhulog tulad ng sub-standard materials.
Dapat rin na pumasa sa pamantayan ng National Building Code ang itatayo na gusali sa Kidapawan City.
kahit pa man malapit sa fault line magpatayo ng bahay ay ligtas pa rin kapag may lindol na dapat mayroong 800 Pounds per square inch o PSI o equivalent to 5. 4 MBA.
Ginawa ng opisyal ang kanyang mungkahi nang dumalo ito sa Legislative Inquiry sa City Council kasama ang mga Sangguniang Members at mga tribal chieftain mula sa ibat-ibang Barangay ng siyudad.
Sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng mga aftershock ng lindol sa probinsya ng Cotabato.