-- Advertisements --
cayetano1
Taguig Rep.-elect Alan Peter Cayetano

Tiniyak ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman Alan Peter Cayetano na nananatiling handa ang komite na ibigay ang aniya’y napakagandang hosting ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Kasunod na rin ito ng ilang mga nakakagulat na pangyayari sa Philippine sports nitong mga nakalipas na raw kung saan bumandera rito ang biglaang pagbibitiw sa puwesto ni Ricky Vargas bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay Cayetano, nananatili ang PHISGOC na tanging opisyal na organizing committee ng ika-30 edisyon ng SEA Games.

“The mandate of PHISGOC to organize the Philippines’ hosting of the 30th SEA Games is vested by law and imbued with public interest,” saad sa pahayag. “It’s designation as the official organizing committee cannot be revoked by any public party.”

Dagdag pa ni Cayetano, mag-iiwan lamang daw ng pagdududa at pagkabahala sa panig ng mga sponsors at private sector partners ang balak na pag-take over ng ibang partido sa organisasyon ng palaro.

“Verily, all talks about any other party taking over the organization of the Games unnecessarily create a cloud of instability and uncertainty, causing extreme apprehension on the part of the Games’ sponsors and private sector partners,” dagdag nito.

Binigyang-diin din ng PHISGOC ang kanilang commitment na maipakita ang “the biggest, best-hosted, and most-viewed SEA Games” sa kasaysayan.

“We do this for the country and for the Filipino people.”