-- Advertisements --

Kinalampag muli ng Malacañang ang mga organizer ng Southeast Asian Games (SEA Games) kaugnay sa klase ng pagtrato ng mga ito sa mga bisitang dayuhang atleta at kanilang delegasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi niya maintindihan kung bakit mistulang tinitipid ang pagkain ng mga atleta.

Ayon kay Sec. Panelo, pantawid-gutom lang ang naiulat na kikiam at nilagang itlog na agahan ng mga atleta.

Pero sa statement ng caterer o naghain ng pagkain, hindi kikiam kundi chicken sausage ang ipinakain sa mga atleta.