Ang mga Chefs de Mission (CDM) na bumisita sa Pilipinas ay namangha sa progreso sa maayos na paghahanda na ginagawa ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa 30th South East Asian Games.
Sa pangalawang pagkakataon, ang mga pinuno ng delegasyon mula sa Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Vietnam, Singapore, Thailand at Timor Lester na dumalo sa Chefs de mission meeting sa Manila para makakuha ng first-hand information sa estado ng paghahanda ng Pilipinas sa SEA Games, ay natuwa sa paghahanda ng PHISGOC.
Ayon kay Cambodian CDM Sokvisal Nhan, nais niyang gayahin ang paghahanda ng Pilipinas sa gaganaping SEA Games sa Cambodia sa 2023.
“For us we are not only participating and campaigning in this event but we come here to learn how to organize the SEA games. Seeing the games in the Philippines will be a very good experience for us to learn,” wika pa ng Cambodian CDM.
Lahat ng Chefs mission ay nagbigay ng tiwala at kompiyansa na ang SEA Games sa pangunguna ng PHISGOC ay magiging matagumpay sa kabila ng pagpalit ng liderato sa Philippine Olympic Committee at mga alegasyon ng iregularidad.
Ayon naman kay Harry Warganegara ng Indonesia, ibibigay niya ang buong pagtitiwala sa PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara.
“I think under COO Ramon Suzara, I believe everything is on track,” ayon pa kay Warganegara.
Ipinakita din ni Suzara sa mga CDM ang detalyadong updates sa progreso ng mga preparasyon sa mga game venue at iba pang function areas.
Sa naganap na presentasyon, ipinakita din ni Suzara sa mga pinuno ng mga delegasyon ng mga kasaling bansa ang mga iba’t-ibang impormasyon sa mga programa ng PHISGOC ukol sa mga kumpetisyon at mga venue, accommodation at hotels ng mga atleta sa athlete’s village.
Ayon naman kay CDM Senator Datuk Megat Zulkarnain Omardin ng Malaysia, pinuri niya ang Pilipinas sa maayos na paghahanda ng SEA Games at nakita niya na ang preparasyon sa bansa ay 75% nang kumpleto.
Nakita rin ng mga delegado ang world-class facilities sa New Clark City Complex na magho-host ng Athletics at Aquatics events. Binista rin nila ang 51,000-seater na Philippine Arena kung saan gaganapin ang opening ceremony.
Sa kabila ng limitadong oras at resources, ang PHISGOC, sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee at ibang government agencies pati na rin ang pribadong sektor partners, ay matagumpay na nailatag ang pagsasaayos ng paghahanda sa pinakamalaking South East Asian Games sa history ng bansa.