-- Advertisements --

Kumpiyansa ang PhilSys Government Service na maabot nila ang 50-milyon target na national ID na dapat mai-release noong nakaraang taon.

Umabot na kasi sa 23-milyon na physical ID ang kanilang nai-release habang mayroong 19 milyion na electronic Pil ID ang nairelease.

Target nila ngayong taon na mairelease ang 92 milyon na national ID.

Para maisakatuparan ito ay nakipag-ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya gaya sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Postal Corporation.