Ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang posibilidad ng pag-agos ng lahar mula sa Mayon Volcano dahil sa malawakang pag-ulan dulot ng bagyong Enteng.
Ayon sa ahensiya, maaaring anurin ng malawakang pag-ulan ang mga lahar o volcanic sediments at dadaloy sa mga channel sa dalisdis ng bulkang Mayon.
Maaari ding magresulta ito ng maputik na agos ng tubig sa mga sapa, at maging banta sa mga malalapit na komyunidad.
Kabilang sa mga posibleng maapektuhan dito ay ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Bonga, Buyuan, Basud, at Bulawan Channel sa Albay.
Ayon sa Phivolcs, maaaring maapektuhan nito ang mga komyunidad na nasa middle at lower slope ng Mayon volcano.
Dahil dito ay hinihimok ng ahensiya ang mga residente at mga lokal na pamahalaan sa mga naturang lugar na mag-obserba at bantayan ang bantang dulot nito.
Kabilang ang ilang maraming probinsya ng Bicol Region sa mga patuloy na nakakaranas ng malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Enteng.