-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mabilis na mai-install ang mga bagong gamit sa monitoring ng Bulkang Taal sa Batangas.

Malaking tulong umano ang mga ito sa accurate monitoring ng mga parametrong binabantayan sa nasabing bulkan ayon kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Division Science Research Specialist Lincoln Olayta.

Ibinida ni Olayta sa Bombo Radyo Legazpi ang mga bagong seismometer na susukat sa mga lindol sa bulkan, Global Positioning System (GPS) para sa lagay ng istruktura maging ang mga satellite images.

Dagdag pa ni Olayta na “hand-in-hand” na sa mga bagong instrumento sa pag-alam sa galaw ng bulkan.

Una nang isinisi sa kulang na mga instrumento ang kakulangan sa warning bago ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, araw ng Linggo.