Inaasahan ng Phivolcs na magpapatuloy pa ang mataas na presensya ng volcanic smog o VOG sa lalawigan ng Batangas na nagmumula sa Taal Volcano.
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, mananatili ang banta ng volcanic smog hangga’t nagbubuga ng sulfur dioxide o asupre ang bulkan.
Pero sabi ni Dir. Bacolcol na mawawala rin naman ang Vog kung malakas ang hangin at may naitatalang ulan.
Ganunman, hindi inaalis ng ahensya ang posibilidad na maulit pa ito, kahit walang nangyayaring major eruption.
Pinapayuhan naman ang mga residente na magsuot ng N95 mask para maprotektahan laban sa kontaminadong hangin.
Kung wala namang importanteng lakad ay hinihikayat ang mga mamamayan na manatili muna sa kanilang bahay.
Una rito, kinansela ngayong araw ang in-person na klase ng mga mag-aaral para makaiwas sila sa pagkalanghap ng hangin na mayroong asupre.