-- Advertisements --
Inamin ng Phivolcs na noong nakaraang taon pa nila naobserbahan ang mga abnormalidad ng Mt. Kanlaon, bago pa ito sumabog.
Katunayan, nakapag-isyu na umano sila ng limang advisories hinggil sa mga nararanasang swarm o mga pagyanig nito.
Gayunman, dahil sa kakulangan ng active facilities, may mga pagkakataong hindi agad nailalabas ang data hinggil sa bawat aktibidad ng bulkan.
Maging ang pasilidad kasi ng Phivolcs sa lugar ay hindi pa natatapos, ngunit gumagana naman ito para sa mga kinakailangang data.
Ayon kay Mariton Antonia Bornas, chief of the Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng Phivolcs, maaaring may iba pang ipapakitang volcanic events ang naturang bulkan bago muling mananahimik.