-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba sa banta ng tsunami sa bansa kasunod ng tumamang malakas na lindol sa Tonga Islands kahapon, Marso 30.

Inisyal na naitala ng Phivolcs ang lakas ng lindol na magnitude 7.3 na may lalim na 59 km dakong alas-8:19 kagabi.

Ginawa ng ahensiya ang paglilinaw dahil sa ganitong kalakas na lindol kasi ay posible ang mapanganib na tsunami waves sa loob ng 300 km mula sa episentro ng lindol sa may baybayin ng Tonga, base sa Pacific Tsunami Warning System.

Ang Tonga ay ang huling Polynesian kingdom na binubuo ng 170 islands kung saan 36 dito ay inhabited.