-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang nadetect na anumang volcanic smog o earthquake activity mula sa Bulkang Taal.
Ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol, nananatiling maaliwalas ang palibot ng main crater, wala ding vog na namuo nitong umaga ng Lunes subalit nadetect ng ahensiya ang steam o pagsingaw mula sa bulkan na umabot ng 2,400 metro na napadpad sa hilaga-hilagang kanlurang direksiyon.
Ang vog na namuo naman sa may main crater ng Taas nitong hapon ng Sabado ay nag-dissipitate dahil sa mga pag-ulan at malakas na hangin.
Wala ding nadetect ang Phivolcs na anumang aktibidad ang bulkan na nagpapakita ng indikasyon ng posibleng pagsabog ng Taal.