-- Advertisements --
image 365

Pinanatili pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert level 1 sa Bulkang Kanlaon dahil sa nagpapatuloy na aktibidad nito.

Batay sa inilabas ng Philvolcs na advisory ngayong araw, nananatili ang volcanic unrest sa nasabing bulkan, sa likod ng ilang linggo na rin nitong paggalaw.

Natukoy ng ahensiya ang isang volcanic earthquake na dulot ng bulkan, habang nakita rin dito ang pamamaga ng ilang bahagi nito.

Batay sa naging rekomendasyon ng mga eksperto ng Phivolcs, kailangang malimitahan muna ang publiko na pumasok sa 4km-permanent danger zone(PDZ) sa bisinidad ng nasabing bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng bulkan.

Samantala, hindi pa rin inaalis ng ahensiya ang posibilidad ng mga phreatic explosions dahil sa patuloy nitong aktibidad.