-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa New Zealand nitong Martes ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol ay naganap sa kanlurang baybayin ng South Island sa New Zealand bandang 9:43 ng umaga (local time). na may lalim na 10 kilometro.

Ito’y batay narin sa mga nakuhang datos ng ahensya at tiniyak na ‘walang nakitang mapaminsalang banta ng tsunami.

Ipinabatid pa ng ahensya na ang impormasyong ito ay para lamang sa kaalaman ng mga Pilipino at nilinaw na ‘walang banta ng tsunami sa Pilipinas

‘No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,’ pahayag ng PHIVOLCS.

Hinimok ang mga mamamayan na manatiling updated at sundin ang mga ilalabas na alituntunin para sa kanilang kaligtasan.