-- Advertisements --

Muling pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang mga residente na malapit sa bisinidad ng Bulkang Taal na maging mapagmatyag dahil sa patuloy na mga aktibidad ng bulkan.

Patuloy kasi ang pagbubuga nito ng plume sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa ahensya, mas makabubuti sa mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang lakad.

Sa nakalipas na magdamag ay muling nagbuga ang bulkan ng plume na may taas na 900-meter kasunod ng phreatic eruption.

Ang phreatic eruption mula sa crater ng bulkan ay sinabayan naman ng volcanic tremor na tumagal ng tatlong minuto.

Nananatili naman ang naturang bulkan sa Alert Level 1 status.