-- Advertisements --

Naobserbahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagtaas ng mga aktibidad sa Bulkang Bulusan sa probinsya ng Sorsogon.

Sa monitoring ng ahensiya ngayong araw ng Huwebes, nakapagtala ang bulkan ng kabuuang 71 volcanic earthquakes simula kaninang alas-5 ng umaga mula sa naitalang 16 kahapon, Enero 10.

Ayon sa Phivolcs, maiuugnay ang volcanic earthquakes sa rock fracturing events kung saan ang pinakamalakas na naitalang pagyanig ay nasa magnitude 0.3 hanggang 2.2 na nangyari sa pagitan ng 1 hanggang 2 kilometro sa ilalim ng southern flank ng bulkan.

Kaugnay nito, nagpaalala ang ahensiya sa publiko sa mataas na tiyansa ng stream-driven o phreatic eruption sa bulkan na kasalukuyang nananatili sa low level of unrest o Alert level 1.

Pinapayuhan din ang mga lokal na pamahalaan at publiko na iwasang pumasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone at 2 kilometer extended danger zone.- EVERLY RICO