-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Muling nagkagulo, nagtakbuhan at bahagyang nagka-stampede ang mga empleyado ng Ayala Malls, ng C.M. Recto Avenue sa lungsod ng Cagayan de Oro matapos yumanig ang 6.5-magnitude na lindol mula Tulunan, North Cotabato, bandang alas-9:11 nitong Huwebes ng umaga.

Takot at truama ang nararamdaman ngayon ng aabot sa 500 merchandizers, at mga call center agents ng kompanyang teleperformance.

Bago ito, isang araw nag-shutdown ang operasyon ng mall, at nag-resume ang operasyon nito lamang umaga.

Muli, may lumala at nadagdagan ang cracks ng pader nasabing mall lalo na sa mga opisina ng teleperformance, isang call center company na nakabase 6th at 7th floor ng Ayala Mall.

Sinabi ni Phivolcs Director Marcial Labininay na aasahan pa ang maraming afterschocks lalu na sa North Cotabato.