-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inaasahan ang mga malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Dante na posibleng makapagpadausdos ng volcanic sediment o lahar mula sa Bulkang Mayon.

Kaugnay nito nagbaba ng lahar advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Inaalerto ng PHIVOLCS at pinaghahanda ang mga komunidad sa pre-determined zones ng lahar at iba pang kaugnay na banta kagaya ng muddy streamflows o muddy run-off sa mga ilog at drainage areas ng bulkan.

Malaking volume umano ng pyroclastic density current deposits ay nasa Miisi, Mabinit, Buyuan at Basud Channels mula sa pag-aalburuto noong January-March 2018 eruption.

Maliban pa ito sa potential lahaars sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, at Basud, Bantayan Channels.

Samantala, una nang ipinag-utos ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang complete evacuation sa mga residente sa risk areas.