-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magkakaroon pa ng panibagong pagiging aktibo ng Taal volcano gaya ng nangyari noong nakaraang linggo.

Nitong alas-4 p.m. ng Linggo kasi ay nagtala ang Phivolcs ng pinakamataas na sulfur dioxide emmission (SO2) gas na mayroong average na 22,628 tonnes kada araw.

Nakaranas din ng 26 na malakas at mababa na pagyanig na tinatawag din na low-frequency volcanic earthquakes.

Sa naging babala ng Phivolcs ay maaaring makaranas ng muling aktibidad ng bulkan gaya ng nangyari noong Hulyo 1.