Nagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mataas na seismic activity sa bulkang Kanlaon.
Sa naging kalatas ng PHIVOLCS, na mayroong 25 na volcanic-tectonic na pagyanig ang kanilang naitala mula pa nitong umaga ng Lunes.
Ang volcanic-tectonic ay nagmumula sa paggasgasan ng mga bato bilang proseso sa mas mataas na VT activity sa posibilidad ng precede eruptive activity.
Sa kasalukuyan ay nananatiling nasa Alert Level 2 ang Kanlaon.
Pinayuhan ng PHIVOLCS ang mga residente doon na iwasang lumapit ng hanggang four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at dapat ay maging vigilant sila sa anumang aktibidad ng bulkan.
Maging ang mga piloto ay iwasan ang paglipad sa ibabaw ng bulkan para maiwasan ang anumang panganib.
Noong Hunyo ay pumutok ang Mount Kanlaon ng anim na minuto na nagbuga ng makapal na abo at gas na may taas ng limang kilometro ang taas.
Isa ang Kanlaon sa 24 na aktibong bulkan sa archipelago nation.