-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa posibilidad na magkaroon ng panibagong phreatic erruption sa Bulkang Mayon sa Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mariton Bornas ang Volcano Monitoring and Erruption Prediction Division Chief ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, patuloy na nakikitaan ng pamamaga ang taas ng bulkan na indikasyon na may umaakyat na magma na nagdadala ng pressure at posibleng maging sanhi ng pagsabog.

Ito rin umano ang dahilan ng nauna ng phreatic erruption nitong nakaraang Linggo.

Subalit nakitaan rin ng pagbaba sa ilang mga parametro kagaya ng rockfall event na bumaba na sa dalawa sa nakalipas na 24 na oras at halos wala na rin na naitatalang volcanic earthquake.

Sa kabila nito, mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6km permanent danger zone upang makaiwas sa panganib na dala ng aktibidad ng bulkan.