-- Advertisements --

Nagbabala ang (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Phivolcs sa publiko kaugnay ng mga kumakalat na maling impormasyon kaugnay ng prediksyon umano sa lindol at tsunami.

Ayon sa Phivolcs, walang tekonolohiya ang makakapagsabi sa eksaktong oras, petsa at lokasyon ng mangyayaring lindol.

Wala rin daw inilababas ang ahensya na earthquake and tsunami prediction advisory.

Hinimok ng Phivolcs ang publiko na iwasan na ang pag-share sa mga kumakalat na mensahe lalo na kung unreliable source ang pinanggalingan nito.