-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Naglunsad ng bagong mobile application ang Philippine of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na makakatulong sa madaling access sa monitoring ng mga aktibong bulkan sa bansa.
Mada-download na ang mobile app na VolcanoPH Info sa Google Playstore para sa android phones.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PHIVOLCS Director Usec. Renato Solidum, Filipino muna ang content ng app habang kailangan din ng data connection para sa mga updates.
Sa loob ng app, makikita ang mga infographics at text form.
Mababalikan rin ang mga lumang bulletin at alert level para mas maintindihan ang binabantayan sa bulkan.
Dagdag pa paraan aniya ang nasabing app upang hindi lamang sa social media ang access ng publiko.