-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na aabot sa 79 na mga volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag sa bulkang Bulusan.

Sa ngayon namo-monitor pa rin ng Phivolcs ang pamamaga ng bulkan kung saan naitatala ang katamtamang pagsingaw na umaabot sa 250 metro na taas hanggang ang abo ay napadpad sa bahagi ng timog silangan.

Sa ngayon nanatili pa rin ang pinaiiral na Alert Level 1 kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometro radius na permanent danger zone.