Nakataas pa rin ang Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon dahil sa aktibidad nito ngayong Linggo, September 15,2024.
Batay sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nakapagtala ito ng 13 volcanic earthquakes na mayruong siginificant sulfur dioxide emission rate na nasa 10,880 tons bawat araw as of September 12,2024.
Nagkakaroon na rin ng volcanic plumes ang mga ulap habang nagpapatuloy ang pamamaga ng bulkan.
Muling nagbabala ang Phivolcs sa mga kababayan natin na mahigpit ng ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4 kilometer Permanent Danger Zone dahil sa phreatic eruptions.
Nagbigay na rin ng abiso para sa mga sasakyang panghimpapawid na iwasan muna lumipad malapit sa bulkan.
Panawagan ng Phivolcs sa mga residente na maging alerto at mapagmatyag hinggil sa sitwasyon ng bulkan.
Ang Bulkang Kanlaon ay matatagpuan sa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental sa Visayas.