-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ipinapamalas na aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology , nagkaroon muli ng mataas na lebel ng volcanic earthquakes ang naturang bulkan.
Ayon sa ahensya, aabot sa panibagong 37 volcanic earthquake ang naitala ng kanilang mga machine mula sa bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Bukod dito ay naitala rin ng ahensya ang isang pagsingaw na nasa 500 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.
Aabot naman sa 3,639 tons ng sulfur dioxide flux ang ibinuga nito .
Nananatili parin sa alert level 3 ang naturang bulkan sa kabila ng patuloy nitong aktibidad.