-- Advertisements --

Panibagong 178 volcanic earthquake ang naitala sa nakalipas na 24 oras mula sa bulkang Bulusan ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nagbuga din ang bulkan ng 613 tonelada ng sulfur dioxide.

Nagkaroon din ng katamtamang pagsingaw ng hanggang 150 metro ang taas at napadpad pakanluran-hilagang-kanluran.

Ayon pa sa Phivolcs, lumalaki pa rin ang edipisyo ng bulkan bagamat mananatiling epektibo ang Alert level 1 o ang low-level unrest sa bulkan.

Sa ilalim ng Alert level 1, ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone at pagpasok nang walang pagbabantay sa dalawang kilometrong Extended Danger Zone.

Hindi rin pinapayagan ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Babala ng ahensiya na maaaring mangyari ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions batay sa aktibidad ng bulkan.