-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Phivolcs at local health officials ang publiko sa volcanic smog na namataan sa lalawigan ng Batangas at mga karatig na lugar.

Marami ang nakapuna ng makapal na vog mula pa kahapon at inakala ng marami na nagmula ito sa pagsabog ng bulkan sa Negros Island.

Pero paliwanag ng Phivolcs, hiwalay na volcanic activity ang pinanggalingan nito at na-trace na nagmula iyo sa bulkang Taal.

Kahapon kasi ay nagkaroon ang Taal ng high volcanic sulfur dioxide emission na umaabot sa 11,072 tonnes/day.

Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng facemask o dustmask upang maiwasan ang pagkakalanghap ng vog.

Kung hindi naman lubhang kailangan ay maaaring manatili muna sa inyong bahay o lugar na walang gaanong pumapasok na alikabok o abo mula sa bulkan.