-- Advertisements --
Patuloy ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pagsasagawa ng monitoring sa mga aktibidad ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Kaugnay nito ay muling naitala ng ahensya ang maliit na phreatic eruption sa bulkan sa nakalipas na magdamag.
Ang nasabing aktibidad ay tumagal lamang ng apat na minuto.
Bukod dito ay naitala rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang dalawang volcanic earthquakes at isang volcanic tremor na tumagal ng 91 minuto.
Nagbuga rin ang Bulkang Taal ng 407 tons ng volcanic sulfur dioxide o asupre.
May katamtaman rin na pagsingaw mula sa bunganga ng bulkan na may taas na 2,100 meters.
Sa ngayon, nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang naturang bulkan.