Phivolcs DOST Office Wiki Patrick Roque

Nananatiling nakaalerto ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahit pa nawala na ang makapal na volcanic smog sa may bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Nagbabala din ang ehsoya na nananatili pa rin ang banta ng bulkan.

Ayon kay Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, naobserbahan ang significant improvement sa visibility sa palibot ng Taal volcano ngayong araw ng Sabado.

Saad pa ng opisyal na isang recurring threat ito hanggang patuloy na nagbubuga ng sulfur dioxide ang bulkan.

Subalit paliwanag ni Bacolcol na ang quantity ng ibinubugang sulfur dioxide ay hindi nagpapakita ng imminent eruption o pagsabog ng bulkan.

Nakatulong din ang pag-ulan para ma-clear ang vog.

Nitong nakalipas na 24 oras, ang ibinubugang sulfur dioxide mula sa bulkang Taal ay bumaba sa 2,730 tons kada araw mula sa 4,569 tons kada araw na naitala noong araw ng Huwebes, Setyembre 21.