-- Advertisements --
Nanawagan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dapat magkaroon ng pangmatagalang development plan sa mga lugar sa palibot ng Taal volcano.
Sinabi ni Phivolcs director at DOST Usec. Renato Solidum na dapat planuhin itong mabuti ng national at local government.
Isang halimbawa nito ay ang pagkakaroon pa rin nang pagkakakitaan ng mga ililikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkan.
Nararapat aniya na ikonsidera ang panganib at matiyak ang economic development sa mga komunidad malapit sa bulkan.