Nag-abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa probinsiya ng Masbate na maging vigilant sa posibleng mangyaring aftershocks.
Ito ay kasunod ng naitalang magintude 5.0 na lindol sa lalawigan nitong umaga ng Sabado.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang linndol anim na kilometro hilagang silangan ng city ng Masbate sa Masbate province.
Naramdaman ang malakas na intensity 5 sa Masbate city.
Naramdaman naman ang mahinang intensity 3 sa Legazpi city sa Albay at Irosin at Sorsogon City sa lalawigan ng Sorsogon.
Habang bahagyang naramdaman naman ang intensity 2 sa Aroroy, Masbate.
Nakapagtala rin ang Phivolcs ng Intensity III sa Legazpi City, Albay at Mahaplag, Leyte; Intensity II sa Tabaco, Albay; at Intensity I sa Naval sa Biliran, Iriga City at Pili sa Camarines Sur, Calubian at Ormoc City sa Leyte, at Prieto Diaz sa Sorsogon.
Posible naman na magresulta ng pinsala sa kabahayan, gusali at iba pang imprastruktura ang tumamang lindol.
Home Environment
Phivolcs, pinag-iingat ang mga residente ng Masbate province matapos tumama ang magnitude 5.0 quake
-- Advertisements --