LEGAZPI CITY -Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang mga residente na nakatira sa paligid ng Bulkang Bulusan na kasalukuyang nasa alert level 1.
Ito ay matapos na tumaas ang mga naitalang seismic acitivity kung saan sa loob lang ng 12 oras umabot sa mahigit 80 ang volcanic earthquakes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay April Dominguiano ang Bulusan Volcano Observatory volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nananatiling nasa low level of unrest ang bulkan na may posibilidad na magkaroon ng preatic erruption kung kaya dapat na iwasan ang pagpasok sa 4km permanent danger zone nito.
Hindi rin inaalis ang posibilidad na maitaas pa ang alert status ng bulkan sakaling tumaas pa ang mga binabantayang parametro.
Subalit nilinaw ni Dominguiano na natural na sa Bulusan ang pabigla-biglang pagtaas ng mga volcanic earthquakes at bigla rin na bumababa.