-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpaalala ang mga kinauukulan na mahigpot na ipinagbabawal ang pag-akyat sa bulkang Mayon.

Ito matapos ang pag-akyat ng grupo ng mga hikers sa bulkan na in-upload pa ng mga ito sa social media.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nananatili ang panganib ng Mayon volcano na posibleng magkaroon ng phreatic eruption anumang oras.

Sa kasalukuyan kasi ay nakataas pa rin ang alert level 1 sa naturang bulkan na nangangahulugan ng posibilidad ng mga volcanic activities.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay resident volcanologist Dr. Paul Alanis ay pinayuhan niyo ang mga lokal na pamahalaan sa paligid ng bulkang Mayon na mas higpitan pa ang pagbabantay upang walang makalusot na pasaway na mga turista.

Nanindigan ang ahensya na mahigpity na ipinagbabawal ang pagpasok sa danger zones ng bulkan kaya otomatikong bawal rin ang pag-akyat dito.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ang naturang mga turista upang mapanagot sa kanilang ginawa lalo pa at wala itong permit mula sa lokal na pamahalaan ng Albay.