-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko sa ulat na umabot na sa ilang bahagi ng bansa ang shockwave mula sa pagsabog ng undewater volcano sa Tonga.

Ayon kan Phivolcs USec. Renato Solidum sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kayang ma-detect ng mga makabagong instrumento ng ahensya ang pressure at sound ng kaparehong mga volcanic eruption.

Subalit nilinaw ng opisyal na normal lamang ito.

Dagdag pa ni Solidum na hindi sila ng issue ng evacuation order dahil maliit ang tsansa na magkaroon ng tsunami sa bansa kahit pa karaniwang may epekto ang malalaking eruption sa lokasyon ng bansa.

Paliwanag nito na nagkakaroon ng shield effect sa tsunami kung saan nahaharang na ng ilang mga island countries ang epekto ng tsunami.

Aniya, nasa parallel source of tsunami ang Pilipinas hindi katulad sa Japan na nakaharap mismo ang mga baybayin sa Tonga kaya labis na naapektuhan ng tsunami.