-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko sa banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng tumamang malakas na lindol sa Tonga ngayong araw ng Lunes.
Sa advisory ng ahensiya, walang nakikitang mapaminsalang tsunami base sa available data.
Una rito, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Tonga bandang alas-9:47 ng umaga base sa United States Geological Survey.
Ang episentro ng lindol ay 198 kilometers ng hilaga ng capital ng Tonga na Nuku’alofa. May lalim ito na 112 kilometers o 70 miles.
Ang Tonga nga ay nasa Pacific “Ring of Fire”, arko ng seismic faults sa palibot ng Pacific Ocean kung saan nangyayari ang karamihan ng lindol at volcanic activity sa buong mundo.