Pinawi ni Phivolcs director Renato Solidum ang pangamba ng marami na mayroong tsunami matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato.
Ayon kay Solidum na tectonic in origin ang nasabing lindol at hindi galing sa dagat kaya malayong magkaroon ng tsunami sa anumang bahagi ng Mindanao.
Naramdaman ang intensity 7 ang mga lugar ng North Cotabato, M’Lang- North Cotabato at Kidapawan City.
Intensity 6 naman ang naramdaman sa Tacurong City habang intensity 5 naman sa Kalamansig, Lebak at Palimbang, Sultan Kudarat; Pikit at Pres. Roxas, North Cotabato.
Intensity 4 sa Cotabato City, Sultan Kudarata, Matanong at Barira , Maguindanao habang Intensity 1 sa Zamboanga City.
Magugunitang tumama ang tectonic na lindol dakong 7:37 ng gabi ng Miyerkules na may 22 kilometers southeast ng Tulunan na may lalim na 15 kms.