Patuloy na nakararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng lalawigan ng Albay epekto ng umiiral na shearline.
Dahil dito , pinag-iingat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang mga residenteng malapit sa bulkan dahil sa posibilidad na pagkakaroon ng lahar flow.
Ayon sa ahensya, mas mainam na maging mapagmatyag at maghanda sa lahat ng oras at lumikas na kung kinakailangan.
Kabilang sa mga pinayuhan ng ahensya na mag-ingat ay ang mga residente mula sa bayan ng Mi-isi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Buyuan, Basud, at Bulawan Channels.
Ito kasi ang mga lugar na maging catch basin ng lahat kapag nagkaroon ng malakas na pag-ulan sa lalawigan.
Pinayuhan rin nga ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa Albay na ugaliing mag monitor para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga residente.