-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa pagtungo sa Tagaytay at Batangas ngayong Holy Week.

Ayon sa ahensiya, walang na-monitor na imminent threat kaugnay sa Bulkang Taal.

Sinabi din ni Phivolcs director Teresito Bacolcol na nananatiling ligtas ang naturang mga lugar para sa mga turista o pilgrims na magsasagawa ng Visita Iglesia.

Subalit, nagpaalala ang opisyal na nananatiling epektibo ang Alert Level 1 o low level unrest sa bulkang Taal.

Bilang pag-iingat, inaabisuhan ang mga turista na manatiling informed sa pamamagitan ng official bulletins ng Phivolcs.

Sa kasalukuyan kasi, nananatiling striktong ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal volcano island lalo na malapit sa main crater dahil sa posibleng steam-driven explosions at mataas na concentrations ng volcanic gases.